Linggo, Agosto 3, 2014

Ang Topograpiya at Klima ng mga bansa sa Timog-Kanlurang Asya (Part 2)

Ang rehiyon ng Timog Kanlurang Asya ay madalas ding tawaging “Gitnang Silangan.” Ito’y napaliligiran ng mga kontinente ng Europa at Africa sa kanluran, mga rehiyon ng Timog Asya at Silangang Asya sa silangan, at Dagat ng Arabia sa timog.
     Kilala sa pagkakaroon ng langis bilang pinakamahalagang produkto ang rehiyong ito.
     May kabuuang sukat na 6,570,221 kilometro kwadrado ang lupaing nasasakupan ng Tmog-Kanlurang Asya. Karamihan sa mga lupaing ito ay may uring disyerto, mabato, mabundok, at baku-bako. Dahil dito, ang mga lupang ito ay hindi maaaring pagtaniman.

IRAN
Opisyal na Pangalan: Islamic Republic of iran
Uri ng Pamahalaan: Islamic Republic

Ang Iran ay dating kilala sa pangalang Persia.
     May dalawang malawak na disyerto rito na sumasaklaw sa mahigit na 98,000 kilometro kwadrado ng lupain. Mabundok at baku-bako ang tuyong lupain sa timog Iran. Ang mayaman na lupain at lambak na maaaring pagtaniman ay makikita sa bandang hilaga at gitnang bahagi ng Iran.
     Kasapi ito ng UN at Organization of Petrolium Exporting Countries (OPEC).
IRAQ
Opisyal na Pangalan: Republic of Iran
Uri ng Pamahalaan: republika

Dito nagsimula ang unang sibilisasyon sa mundo. Ito ang dating Mesopotamia na kabilang sa tinaguriang Fertile Crescent,  ang mayamang lupain sa paligid ng lambak Nile at mga ilog ng Euphrates na kahugis ng kabiyak na buwan. Matatagpuan dito ang makakapal na kagubatan na siyang pinagmumulan ng kanilang kabuhayan. Ang dalawang ilog na Tigris at Euphrates ang nagbibigay tubig sa bansa.
     Ang hilagang bahagi ng Iraq ay mabundok, samantalang ang kanlurang bahagi nito ay pulos disyerto kaya’t walang nagsasaka sa bahaging ito ngunit dito matatagpuan ang malaking deposito ng langis. Ang Iraq ay kasapi rin ng UN,AL, at OPEC.
ISRAEL
Opisyal na Pangalan: state of Israel
Uri ng Pmahalaan: Republika

Isang maliit na bansang pinaliligiran Lebanon sa hilaga, Syria at Jordan sa silangan, Ehipto sa timog at Dagat Mediteranya sa Kanluaran. Mataba ang lupa sa kapatagan ng Israel sapagkat ang pambansang patubig ay umaabot hanggang dito. Ang pinakamahalagang ilog dito ay ang Ilog Jordan. Electronics, tela, diamond cutting at food processing ang pangunahing industriya rito.
     Ang Israel ay kasapi ng UN.
JORDAN
Opisyal na Pangalan: Hashimite Kingdom of Jordan
Uri ng Pmahalaan: Constitustional Monarchy

Ang bansang Jordan ay binubuo ng mga lambak, burol, kapatagan, at mga disyerto. Ang mga taniman dito ay matatagpuan sa mga lambak at kagubatan. Ang klima sa timog at silangang bahagi ng bansa ay kasing init ng disyerto. Halos walang pag ulan ang nagaganap sa bansang ito lalo na sa pgaitan ng buwan ng abril at oktubre.
     Ang Jordan ay may mayamang deposito ng langis na kagaya rin ng kalapit bansa nito. Ito’y kasapi ng OPEC at AL.
KUWAIT
Opisyal na Pangalan: state of Kuwait
Uri ng Pamahalaan: Constitutional Monarchy

Matatagpuan ang bansang Kuwait sa dulong hilaga ng Persian Gulf. Ang hangganan nito ay Iraq sa hilaga at Saudi Arabia sa kanluran. Isang disyerto ang Kuwait kaya’t ang temperature rito ay kadalasang umaabot sa 52degreeC tuwing tag-init.
Ito ay panagalawa sa Saudi Arabia kung pagluluwas ng langis sa buong mundo ang pag uusapan. Kasapi ang Iraq sa UN, OPEC, at AL.
LEBANON
Opisyal na Pangalan: Republic of Lebanon
Uri ng Pamahalaan: Republika

Ang Lebanon ay napapaligiran ng mga bansang Syria sa silangan at Israel sa Timog. Ito’y nasa silangang dulo ng Dagat Mediteranya. Mayroon itong katatamtamang klima kung ikukumpara sa ibang bansa sa Timog-Kanlurang Asya. Mayroon ditong dalawang bulubundukin.
     Bagama’t tinawag na “Bansang Nahati sa Digmaang Sibil,” ang Lebanon ay kasapi ng UN at AL.
OMAN
Opisyal na Pangalan: Sultanate of Oman
Uri ng Pamahalaan: Absolute Monarchy

Isang maliit na bansa na nakahimlay sa timog-silangang dako ng Dagat ng Arabia ang Oman. Ang hangganan nito ay ang mga bansang United Arab Emirates sa hilagang kanluran, Saudi Arabia sa kanluran at Yemen sa timog-kanluran.
Tuyo ang lupain sa bansang ito sapagkat madalang ang pagpatak ng ulan dito. Ang malaking bahagi ng bansa ay disyerto. Ang klima ng Oman ay mainit, ang temperature ay inaabot ng 51deegreC. Kasapi ng UN at AL ang bansang ito .
QATAR
Opisyal na Pangalan: State of Qatar
Uri ng Pamahalaan: Traditional Monarchy
Ang Qatar ay isang tangway na matatagpuan sa Golpo ng Persia. Ang hangganan nito sa hilaga ay Bahrain, United Arab Emirates sa timog-silangan, at Saudi Arabia sa kanluran. Kagaya ng iba nitong karatig-bansa, tigang ang lupain dito sapagkat bihirang umulan sa bansa. Mainit dito mula buwan ng Mayo hanggang Setyembre at taglamig naman sa Disyembre hanggang Mayo. Mayaman sa langis ang Qatar at sagana rin sa semento. ito ay kasapi ng UN,AL at OPEC.
SAUDI ARABIA
Opisyal na Pangalan: Kingdom of Saudi Arabia
Uri ng Pamahalaan: Monarchy

Tigang kung ilarawan ang lupain ng bansang Saudi Arabia. Walang ilog na dumadaloy sa bansang ito. Kung may bagyo, naglalawa ang mga lambak, ngunit dahil sa katagalan ng pagkatigang ng mga lupain, medaling nasisipsip ng lupa ang tubig na nanggagaling sa ulan. Matatagpuan sa dakong kanluran ng Arabia ang mga bundok na may ukit ang tagiliran na siyang angsisilbing taniman. Ang hilaga at timog na bahagi ng bansa ay disyerto ng buhangin. Makikita sa timog na bahagi ng bansa ang disyertong Rub’ al Khali, na may lawak na 647,000 kilometro kwadrado. Ang malaking deposito ng langis ay matatagpuan naman sa silangang bahagi ng bansa. Mainit ang klimang nararamdaman sa Saudi Arabia sa buong taon ngunit pagkaminsa’y nagkakaroon din ng taglamig.
     Ito’y kasapi ng UN, AL at OPEC.
SYRIA
Opisyal na Pangalan: Syria Arab Republic
Uri ng Pamahalaan: Republika

Binubuo ng mayayamang lambak ang bansang Syria subalit may mga ilang pook dito na mabuhangin. Ang mga lugar na malapit sa dagat lamang ang maaring mapagtaniman dahil hindi ito nangangailangan ng patubig o irigasyon. Katatamtaman lamang ang klima sa Syria kaya karamihan sa bahagi nito ay lupang pangsakahan.
     Ang Syria ay kasapi ng UN at AL.
TURKEY
Opisyal na Pangalan: Republic of Turkey
Uri ng Pamahalaan: Republika

Maraming ilog at tubig-alat sa bahaging hilaga ng bansang Turkey. Ang bahaging ito, kasama ang ilang bahagi sa kanluran, silangan, at timog ay mainam para sa pagsasaka at paghahayupan. Sa bandang gitna matatagpuan ang ilang bahagi na may deposito ng langis.
     Kasapi ito ng UN, North Atlantic Treaty Organization (NATO) Organization for Economic Cooperation and Development (OECO), at Organization of Eastern Caribean States (OECS).
UNITED ARAB EMIRATES (UAE)
Uri ng pamahalaan: Federation of Emirates

Binubuo ng mga estado ng Dubai, Abu Dhabi, Ash Shariqah, ‘Ajman, Umm al Qaywayn, Ras al Khaymah, at Al Fujayrah ang UAE. Karaniwang kabuhayan ng mga tao rito ang pangingisda at paninisid ng perlas bago pa man madiskubre ang deposito ng langis dito. Mainit ang klima at bihirang umulan ditto kaya’t hindi mainam para sa pagsasaka ang lupain dito. Malaking bahagi ng lupain ng UAE ay mabundok at disyerto.
     Ang UAE ay kasapi ng UN, AL, at OPEC.
YEMEN
Opisyal na Pangalan: Republic of Yemen
Uri ng Pamahalaan: Republika

Mabuhanghin subalit may matabang lupain ang Yemen. Ito’y napaliligiran ng mga banasang Saudi Arabia sa hilaga at Oman sa silangan. Mayaman sa langis ang bansa kaya’t ito ang pangunahing produkto nito. Ang Yemen ay miyembro ng UN at AL.

Ang Asya ay matatagpuan sa pagitan ng Europa sa Kanluran, Dagat Pasipiko sa Silangan, Dagat Arctic sa Hilaga, at Dagat Indian sa Timog. Napakalaki ng Asya, ito ang pinakamalaking kontinente sa buong daigdig. Sinasakop nito ang sangkatlo ng buong lupain sa mundo. Ang Asya ay binubuo ng 5 Rehiyon: Hilagang Asya, Timog-Kanlurang Asya, Timog Asya, Silangang Asya at Timog-Silangang Asya.
     Makikita sa Timog-Kanlurang Asya ang mga bansang Iran, Iraq, Turkey, Saudi Arabia, Syria, Israel, Lebanon, Jordan, Afghanistan, Bahrain, Kuwait, Oman, Qatar, Yemen, United Arab Emirates, Cyprus, Armenia, Azerbaijan, at Georgia.

Ang Timog-silangang asya
Binubuo ng mga bansang Pilipinas, Thailand, Singapore, Myanmar (dating burma), Cambodia, Laos, Vietnam, Malaysia, Brunei at Indonesia ang Timog-Silangang Asya. Ang Timog-Silangang Asya ay napaliligiran ng Silangang Asya sa hilaga, kontinente ng Australia at Oceania sa silangan at timog, at rehiyon ng Timog Asya sa kanluran. Ang kabuuang sukat nito ay umaabot sa 4,495,507 km.kw.

Topograpiya at Klima sa Timog Silangang Asya.

Ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya ang karugtong ng kalupaan (mainland) ng Asya. Ang iba rito ay nakasabog sa mga karagatan bilang mga kapuluan. Makikita rito ang malawak na karagatang India, Dagat Timog Tsina, at Karagatang Pasipiko. Sinasabi ng mga dalubhasa na ito lamang ang rehiyon sa buong mundo na may maraming pulo na maaaring panirahan ng mga tao, bagama’t mabundok ang karamihan sa mga ito. May malawak na kagubatan sa Timog-Silangang Asya na maaaring pagkunan ng kabuhayan. Mayroon ding mayayamang lambak dito kagaya ng Mekong, Irrawaddy, Chao, Phraya, at Ilog Red.
     Ang klima ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya ay halos magkakapareho. Dahil sa nasa Tropical Zone, ang panahon dito ay may tag-init at tag-lamig at tag-araw at tag-ulan na mainam para sa mga pananim.

 Likas na Yaman
Ang Timog-Silangang Asya ay sagana sa likas na yaman. Marami sa mga kagubatan dito ay may malaking deposito ng mineral at metal. Ang mga lupa rito ay may mainam taniman dahil ang mga ito’y mataba at may magandang uri. Ang mga bansang Myanmar, Thailand, Laos, Cambodia, at Vietnam ay may mayayamang lambak sanhi ng mga pangunahing ilog dito.
     May mga yamang-tubig din ang rehiyong ito na sagana sa mga lamang-dagat, isda, at perlas. Ang mga bansang archipelago tulad ng Pilipinas, Indonesia, at Malaysia ang kadalasang nakikinabang dito.
     Sa kasalukuyan, pinapaunlad pa ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya ang kanilang mga likas na yaman.

Mga Bansa sa Timog-silangang Asya

BRUNEI
Opisyal na Pangalan: State of Brunei Darussalam
Uri ng Pamahalaan: Independent Sultanate

Ang malayang sultanato ng Brunei ay matatagpuan sa hilagang baybayin ng pulo ng Borneo. Napaliligiran ito ng mga pulo ng Sarawak sa Malaysia. Mayroong malaking deposito ng langis dito na nag-aakyat ng napakalaking halaga ng dolyar sa bansa taun-taon.
     Ang Brunei ay kasapi ng UN, the Commonwealth, Asia-Pacific Economic Cooperation Group (APEC), at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
INDONESIA
Opisyal na Pangalan: Republic of Indonesia
Uri ng Pamahalaan: Republika

Ang Indonesia ay isang Arkipelago. Sa katunayan, ito ang pinakamalaking kapuluan sa daigdig na binubuo ng humigit-kumulang sa 13,500 pulo. Sa bilang na ito, 6,000 lamang ang pinanahanan ng mga tao. Tinatawag na East Indies ang karamihan sa mga kasalukuyang teritoryo nito.
     Matatagpuan ang Indonesia sa dakong Timog-Silangang ng Asya, sa bandang kanaroroonan ng ekwador. Mayaman sa mineral at deposito ng langis ang bansa kaya’t ang mga ito ang pangunahing produktong panluwas.
     Kasapi ng UN,APEC,ASEAN, at OPEC ang bansang ito.
INDOTSINA
Cambodia (Kingdom of Cambodia)
Laos (Laos People’s Democratic Republic)
Vietnam (Socialist Republic of Vietnam)

Ang Indotsina ay kinabibilangan ng Vietnam, Laos, at Cambodia. Ang mga bansang ito ay pare-parehong may mayayamang ilog, kagubatan, at lupain. Ang Ilog Mekong na dumaraan sa loob ng mga bansang ito ay tumutulong nang malaki upang lalo pang mapaunlad ang kanilang mga lupain. Bukod sa Ilog Mekong, ang Ilog Pula na nasa hilagang Vietnam ay tumutulong din sa pagpa-payaman ng mga lupain ng Indotsina.
     Sa tatlong bansa ng Indotsina itinuturing na higit na maunlad ang Cambodia ngunit ang pag-unlad nito ay natigil dahil sa naganap na isang mahabang digmaang sibil. Sa kasalukuyan, muli na naming bumabangong ang Cambodia.
     Pare-parehong kasapi ng UN at ASEAN ang tatlong bansa.
MALAYSIA
Uri ng Pamahalaan: Federal Parliamentary
Democracy with a Constitutional Monarch

Ang Malaysia ay pederasyon ng labintatlong estado na may istratehikong lokasyon. Ito ay dinaraanan ng mga sasakyang dagat na nagmumula sa Timog, at Timog-Kanlurang Asya, pati na rin ang mga nagmumula sa Europa na pumupunta sa silangang Asya. Maraming bundok at kagubatan ang bansang ito na pinagkukunan ng kanilang kabuhayan. May mayamang deposito rin ng lata ang bansang ito na anaangkat ng mga kalapit bansa.
     Isang maliit na pulo sa Tangway ng Malaya na nakadugtong sa Malayasia sa pamamaguitan ng tulay. Dating kasama sa pederasyon ng Malaysia ang Singapore ngunit kumalas ito noong 1965 upang maging isang malayang estado.
     Ang Malaysia ay kasapi ng UN, APEC, ASEAN at the Commonwealth.
MYANMAR
Opisyal na Pangalan: Union of Myanmar
Uri ng Pamahalaan: Military

Nakahimlay sa pagatian ng Timog-Silangan at Silangang Asya sa look ng Bengal ang Myanmar na kilala dati sa pangalang Burma. Tinagurian itong “Gintong Lupain” dahil sa mga gintong pagodang nakatayo rito.

     Napaliligiran ito ng mga bansang Bhutan at Tsina sa hilaga, Laos at Thailand sa silangan, at Bangladesh at India sa Kanluran. Nahahati sa dalawang rehiyon ang Myanmar: ang Mababang Myanmar at Mataas na Myanmar. Ang una ay itinuturing na pinaka mainam na bukirin sa Asya dahil sa matatabang delta ng mga ilog Irrawaddy, Sittang at Salween. Ang huli ay mayaman naman sa Mineral. Dito natin matatagpuan ang isang kabisera ng isang bansa , ang Ragoon kasapi ng UN at ASEAN ang Myanmar.